Prime Water Sorsogon City “Konek Now Pay Later” promo, nagpapatuloy

SORSOGON CITY – Patuloy pa rin ang ‘Konek Now Pay Later’ promo ng Prime Water Sorsogon City.

Sa pahayag ni Engr. Hendrickson Latonio, ang Branch Manager ng opisina, sinabi nito na kabilang sa nasabing promo ang pagpapaliban muna sa pagbabayad ng connection fee na P3, 900.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ibig sabihin, puwede nang kabitan ng tubig ang concessionaire kahit hindi pa nito nababayaran ang nasabing halaga, kung saan maaari niya itong bayaran hanggang sa buwan ng Disyembre nitong taon.

Samantala, bilang bahagi pa rin ng promo, libre na rin ang reconnection fee na P1, 446 para sa lahat ng mga naputulan ng linya ng tubig, tanging ang arrears na lamang ang kanilang kailangang bayaran. Ito ay epektibo din hanggang sa kaparehong buwan.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Nakasaad din sa promo na makatatanggap ng tig-5 kilong bigas ang unang ‘100 connections.’

Ang promo period ay nagsimula nitong buwan ng Agosto at magtatapos sa Oktubre nitong taon.