Price ceiling sa Copra ihihirit ng PCA sa Luzon

NAGA CITY- Ihihirit ng Philippine Coconut Authority ang Price Ceiling (PCA) sa Copra, kung maaari ay hindi bumaba sa P50.00 ang bawat kilo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PCA Director for Luzon  Flor L. Olivar sa pagdalo nito sa Sustainable Assistance Recovery and Advancement Program (ISARAP) na ginawa sa Camarines Sur sinabing sa pag-iikot niya sa Bicol Region nakitang nasa magandang estado ngayon ang mga mangniniyog ngunit marami pa silang nais tulad ng pag export ng mga produkto mula sa niyog at i-localized ang paggawa ng oil.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Isa pa sa nais ni Olivar ay ang magkaroon ng price ceiling sa copra, dapat aniya pumasok na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagmonitor sa presyo, hindi dapat na bumaba sa P50.00 ang bawat kilo. Minsan mas mababa pa sa P15.00 ang bawat kilo nito, luging lugi ang mga mangniniyog, nasasayang ang pagod at panahon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Subalit ayon sa kay DTI Acting Provincial Director Jay Ablan, mahirap itong gawin dahil nakatutok sila sa processed products tulad ng sardinas, noodles at iba pa. Ang Department of Agriculture na aniya ang dapat na sumagot ukol sa kahilingang ito.