Pari sa Camarines Norte muling nagpaalala sa mga kandidato at taga suporta na hinaan o patayin ang sound system ng sasakyan kapag dumadaan sa simbahan

Pinaalalahanan ng isang pari sa Camarines Norte ang mga kandidato at supporters na hinaan o patayin ang sound system ng sasakyan kapag napapatapat sa mga simbahan lalo na kung may mga liturgical celebrations.

Ayon kay Father Salvador Babala IV, Parish Priest at Rector ng Shrine of Jesus the Black Nazarene at Parish of St. Lucy sa Capalonga na hindi lang ito applicable sa tuwing madadaan sa simbahan kundi maging sa mga eskwelahan at ospital.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Aniya ito naman ay alituntunin kahit hindi panahon ng eleksyon dahil ang simbahan at eskwelahan ay “zone of peace” o “zone of silence”.

Nagpasalamat naman ang pari sa mga kandidato at supporters na inuuna ang pagsisimba tuwing linggo bago mangampanya.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang bagay umanong ito ay paalala hindi lang  para sa mga lokal na kandidato kundi maging sa mga tumatakbo sa national position.

Mababatid na sinimulan ang campaign period noong Pebrero 8 para sa mga tumatakbo sa national position at noong Marso 25 naman para sa mga lokal na kandidato.

Tatagal ang  campaign period hanggang Mayo 7.