Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang online seller na ‘di umano’y nagbebenta ng mga SIM cards na may rehistrado nang mga GCash acounts.
Ang siste – ibinebenta raw ng suspek ang mga SIM cards na may registered GCash accounts sa Facebook Marketplace.
Nang dahil sa sumbong ng isang biktima – ikinasa ang entrapment operation sa tapat ng Valenzuela City Hall.
Dito na narekuber sa suspek ang dalawang SIM Cards na may registered GCash accounts, tatlong libong pisong buy-bust money, at cellphone.
Sa ngayon, inihahanda na ang mga kasong isasampa sa suspek, partikular na ang paglabag sa SIM Card Registration Act, Cybercrime Prevention Act, at iba pa.
#