Prexy powers para i-suspend ang PhilHealth rate hike, inihain

Isinulong ni Senator Grace Poe ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendehin ang dagdag na contribution sa PhilHealth.

Ipinaliwanag ni Poe na layon ng kanyang panukalang suspension na mailigtas sa dagdag na pasanin ang mga mamamayan lalo na sa gitna ng pandemya.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Maliban pa aniya ito sa patuloy na tumataas na presyo ng mga basig needs.

Binigyang diin ng Senadora na ang dagdag na kontribusyon ay sa gitna ng pagsisikap ng mga tao na makahinga sa impact ng pandemya at pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Dagdag ng senadora na dapat pakinggan ang hinaing ng mga tao sa pagsisikap na mabigyan ng sapat na pagkain ang kanilang pamilya at trabaho para na din makaagapay sa mga bayarin at bilihin.

Ngayon aniya mas kailangan ng mga mamamayan ang suporta mula sa gobyerno (LEO NAVARRO-MALICDEM)
#