Mambabatas, nanawagan sa Pangulo na magdeklara ng ‘state of economic emergency’

Naniniwala ang isang mambabatas na kinakailangan nang magdeklara ni Pangulong Bongbong Marcos ng national ‘state of economic emergency’ para matugunan ang mga problemang nararanasan ng bansa pagdating sa sektor ng agrikulutura.

Sa isang panayam, ipinunto ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines o AGAP party-list Representative Nicanor Briones ang kahalagahan ng pagdedeklara nito para matulungan ang mga magsasaka at mga nagaalaga ng baboy o manok.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Sa kasalukuyan kasi, wala umanong sapat na tulong para sa mga magbababoy na apektado ng African Swine Fever, pati na rin sa mga naaapektuhan ng bird flu.

Giit nito, bilyong halaga ng pera ang nasasayang sa t’wing mayroong culling na nagaganap at nagreresulta sa kakulangan ng suplay nito sa merkado.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Kinakailangan din aniyang pabilisin ang ayuda para sa mga magsasaka na higit namang naaapektuhan ng mga kalamidad gaya ng pagbaha.

Paliwanag ni Briones, kung hindi matutugunan ang pangangailangan ng agri-sector, ay matutuloy ang pinangangambahang krisis sa pagkain sa bansa.
#