Pagpapalawig ng PH booster rollout – pahiwatig sa mundo na open for business na ang Pilipinas

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may positibong mensahe sa buong mundo kung muling paiigtingin ng Pilipinas ang vaccine rollout laban sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo posible itong magsilbing senyales sa ibang mga bansa na bukas na ulit ang ekonomiya ng Pilipinas at welcome na ang mga investors at mamumuhunan.

Read More:  DSWD: 15-year-old Tacloban school shooter showed discernment

Dahil dito kung kaya’t nanawagan si Marcos Jr., sa mga LGUs na muling paigtingin ang vaccine rollout laban sa COVID-19.

Hiningi din nito ang suporta ng mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng booster dose lalo na’t pinaghahandaan ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga susunod na buwan.

Read More:  Senate committee to investigate Tacloban City school shooting, online gaming platforms

Nabatid na batay sa pinakahuling tala ng DOH muling lumubo sa mahigit dalawang-libong kaso ng COVID-19 ang naitala ng ahensiya sa loob lamang ng isang araw noong Linggo.
#