Presyo ng kandila sa So.Cot, estable ayon sa DTI

KORONADAL CITY- ESTABLE ang presyo ng mga kandila sa lalawigan ng South Cotabato, isang linggo bago ang paggunita ng All Saints Day at All Souls Day sa November 1 at November 2.

Ito ang inihayag ni Senior Trade and Industry Development Specialist Elbert Capecio ng Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Capecio na walang pagtaas sa presyo ng kandila sa kabila nang pagsitaasan ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.

Wala din umanong dapat ipangamba ang mga mamimili dahil mataas ang inventory level nito sa mga malls at iba pang establismento komersyal.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang presyo ng kandila sa merkado ay nasa P 5 tubtob P 50 depende sa laki nito.

Ang kandila ay isa sa mga pangunahing dinadala ng publiko sa pagbisita sa mga sementeryo tuwing Undas upang mag-alay ng panalangin sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.