Batangas City – Tumaas ang presyo ng mga itlog sa mga Poultry farm sa San Jose, Batangas.
Ayon kay Lyn Umali isa sa may-ari ng Bong & Remy poultry farm, P15 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng itlog kada tray.
Kumpara sa P170 hanggang P175 na presyo ng mga itlog noong buwan ng Marso at Mayo ngayon ang isang tray nito ay pumapatak na sa halagang P205 hanggang P210.
Ayon pa kay Umali, isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog ay ang pagpapalit ng mga panibagong manok sa mga kulungan.
Kung dati ay may mga itlog na kasing laki na lamang ng itlog pugo dulot ng matinding init ng panahon, ngayon ay unti-unti ng nagiging normal ang mga laki nito.
Samantala, ang taas baba pa rin ang bilang ng mga itlog na naha-harvest sa kanilang poultry dahil sa pabago bago pa ring panahon.