Batangas City – Nagsagawa ng culminating activity ang Department of Information and Communication Technology-Region IV-B Mimaropa bilang pagtatapos ng National ICT Month sa taong 2024.
Sa pangunguna ni Regional Director DICT MIMAROPA, Director Cheryl C. Ortega ay matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa Lipa City, Batangas.
Pinarangalan din ang 28 na partner agencies at mga bagong stake holder’s ng DICT MIMAROPA
Samantala, naganap rin sa nasabing aktibidad ang turn over ceremony para sa bagong regional director ng DICT IV-B na si Director Emmylou V. Delfin.