CAMARINES NORTE- Mula sa P64 hanggang P67 kada litro noong nakatalikod na linggo, naglalaro na ngayon sa P63 hanggang P66 ang presyo ng gasolina sa bayan ng Daet makaraang magpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis kahapon.
Maliban sa gasolina nagtapyas din ang mga ito sa presyo ng diesel.
Sa Seaoil Pamongaron P50. 90 ang diesel, P63. 10 sa Extreme U habang P64. 05 sa extreme 95.
Sa katabi nitong Caltex P50. 80 sa diesel, P63. 10 sa silver gasoline at P64. 05 naman sa Platinum.
Sa Ptt sa may bahagi ng Diversion Road P50. 80 sa diesel, P63. 10 sa Blue Gasoline 93+ habang P64. 05 sa Blue Gasoline 95+.
Pagdating naman sa Petron sa sentro ng Daet nasa P51. 95 ang diesel max, P64. 60 sa Xtra advance, P65. 60 sa XCX plus at P58. 58 sa Xtra.
Sa isa pang Petron gasoline Station sa Vinzons Avenue, P51. 95 ang diesel, P64. 60 sa Xtra advance P65. 60 sa XCS at P53. 95 sa Turbo diesel.
Sa katapat nitong Phoenix Petroleum P52. 80 sa diesel, P66. 18 sa Super unleaded at P66. 94 naman sa Premium.
Ito na ang unang pagkakataon na nagkaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang mahigit dalawang buwang puro pagtaas.
Gayunman, nanatili pa ring mabigat sa bulsa ng mga motorista dahil mas mahal ang presyo ng mga produktong petrolyo dito sa Camarines Norte kumpara sa karatig lalawigan.
