Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na magsasagawa ang gobyerno ng tatlong araw na national vaccination drive mula November 29-December 1.
Sasabay ito sa komemoprasyon ng Bonifacio Day sa November 30.
Sa Talk to the People ng Pangulo ay sinabi niya na maituturing na bayani ang lahat ng mga Pilipino na handang magpabakuna kontra COVID-19.
Mababatid na tinatayang nasa 30-milyong mga Pilipino na ang maituturing na fully vaccinated laban sa COVID-19.
Matatandaan na inilunsad ng Pilipinas ang vaccination program nito noong March 1.
