Presyo ng gasolina, pumalo sa P80/liter sa Puerto Princesa

Naitala ang pinakamataas na presyo sa produktong petrolyo sa bansa sa P80 per liter sa Puerto Princesa, Palawan, habang ang presyo ng diesel ay pumalo sa P66 bawat litro.

Ipinaliwanag naman ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero na ang mataas na presyo ay dahil sa transportation cost bilang ang Palawan ay isang isla kung saan ang pagbiyahe ng produkto ay mahirap.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Maliban dito, maaari rin umanong walang kakumpitensiya ang nagbebenta sa partikular na lugar, na bahagi rin ng cost of doing business.

Ibig sabihin umano, mahal ang operating cost nila, na maaaring resulta ng mahal na renta, manpower, maaaring sa mga utilities, kaya ito ay nakadepende sa serbisyo na kanilang ibinibigay.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Matatandaan na noong Lunes, inanunsyo ng mga oil firms ang price hike sa bawat litro ng petroleum products, kung saan ang gasolina ay tumaas ng halos P8 at ang diesel ay halo P10.

Ito na ang pang-ika walong sunod na linggo na nagtaas sa presyo ng lana.