Palasyo, welcome ang pag-aaral na nagsasabing magiging trillion-dollar economy ang PH sa 2033

Welcome sa Malacañang ang bagong pag-aaral na nagsasabing ang Pilipinas ay inaasahang maging isa sa Asia’s trillion-dollar economies sa susunod na dekada.

Ayon sa IHS Market report na inilabas noong nakaraang buwan, nakikita na ma-eenjoy ng Pilipinas ang rapid growth sa 2022, dahil sa private consumption at government infrastructure investments.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles, na kung maaalala, nananatiling positibo ang economic team na hindi makakahadlang ang COVID-19 pandemic sa vision ng Pilipinas na matuldukan ang kahirapan pagdating ng 2040.

Una nang sinabi ng Philippine Statistics Authority na nagtala ang ekonomiya ng bansa ng faster-than-expected 5.6 percent growth rate noong 2021 nang luwagan ang COVID-19 restrictions, habang tumaas ang GDP sa 7.7 percent sa fourth quarter.

Ang 2021 GDP growth ay mataas rin umano sa 5 hanggang 5.5 percent target na itinakda ng Development and Budget Coordination Committee noong Disyembre. //MHEL PACIA