Presyo ng bigas sa ilang mga tindahan sa Sorsogon nagsimula ng tumaas

SORSOGON CITY—Nagsimula nang magtaas ng presyo ng bigas ang ilang mga tindahan sa pamilihang panlungsod ng Sorsogon kasunod ng inasahang limang piso kada kilong pagtaas ng mga rice traders na nagsimula na sa Maynila at National Capital region.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang pinakamurang well milled rice na dati ay naglalaro sa 37 pesos kada kilo, ngayon umaabot na ito sa 39-40 pesos kada kilo na inaasahan pang taaas sa susunod na linggo.

Ang mga dekalidad namang bigas gaya ng Denorado, Sinandomewng at Jasmin rice ay pumapalo na rin sa 50 pesos kada kilo habang nanatili naman sa 65-70 pesos ang kada kilo ng Malagkit, 75 pesos kada kilo sa Brown at Red rice habang sa Tiger brand at C4 red, naglalaro sa 45-47 pesos kada kilo.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender