Presyo ng bigas, posibleng bumaba

Nakikita ng Department of Agriculture na malaki ang posibilidad na bumababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay DA Asec Arnel de Mesa, batay sa nakalap nilang critical information sa demand, supply, logistics at administrative concerns, patuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas sa international market.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Umaasa si de Mesa na sa pamamagitan nito, makakagawa ng adjustment ang ahensya upang mapababa ang presyo ng bigas sa Pilipinas.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nabatid na inilunsad kamakailan ng DA ang Rice for All kung saan makakabili ng tig-29 at 45 pesos na kada kilos ng bigas sa ilang mga KADIWA stores.