Presyo ng asukal, inaasahang bababa

Asahan sa mga susunod na buwan ang pagbaba ng presyo ng asukal sa bansa dahil sa pagbaba ng mill gate price.

Sa pagsisimula ng crop year nitong Setyembre, sinabi ng Philippine Sugar Millers Association, Inc., na mababa ang mill gate price ng asukal.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Dapat pumatak sa P80 ang presyo kada kilo ng refined sugar, habang P75/K sa washed at brown sugar ayon Sugar Regulatory Administration,

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dagdag pa ng SRA, base sa tatlong linggong monitoring nito, bumababa na ang retail price nito ngayon dahil sa bumaba ang farm gate price ng brown sugar sa P10/K kumpara noong isang taon.