Sapat na suplay ng langis sa ASEAN countries, pinanawagan ni PBBM sa GCC

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bansang mula sa Gulf Cooperation Council (GCC) para tulungang tiyakin ang sapat na supply ng langis at gas sa mga bansa ng Association of South Eeast Asian Nation.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Ayon kay Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, mahalaga ang GCC dahil binubuo ito ng highly developed Arab economies.

Bukod sa supply ng langis, kinikilala din ni Pangulong Marcos ang potential synergies sa capital investment sa pagitan ng mga hub economies ng mga bansang GCC at ng ASEAN Member States para matugunan ang supply ng pagkain, renewable energy transformation at supply chain disruptions.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Samantala, tahanan ng tinatayang 2.2 milyong Pilipino at humigit-kumulang 2.7 milyong miyembro ng ASEAN ang mga bansang kabilang sa GCC.