Hinikayat ng Department of Health ang mga indibidwal na una nang kumuha ng kanilang digital COVID-19 vaccine certificates sa pamamagitan ng VaxCertPH, na humingi ng bagong bersyon.
Ayon kasi sa DOH, ang QR codes na nakuha bago ang Feb. 7 ay hindi na mababasa at outdated na matapos ma-update ang bagong features ng VaxCertPH.

Payo ng ahensya, kumuha ng code sa pamamagitan ng vaxcert.doh.gov.ph o pumunta sa LGU kung saan sila nagpabakuna.
Samantala, ang mga hindi pa nagparehistro ay maaring gumawa ng kanilang request, 48 hours matapos ang kanilang full vaccination. //MHEL PACIA-TRINIDAD