PATAY sa pamamaril ang isang dating law maker at ngayon ay tumatakbo sa pagka pangulo sa Ecuador na si Fernando Villavicencio.
Lumalabas sa report na pinaslang ang biktima gabi nitong Miyerkules habang nasa kalagitnaan ng pangangampanya sa Quito, ang kabisera ng Ecuador.
Makikita sa video na kumalat sa social media, ang nangyari sa naturang insidente kung saan maririnig ang hiyawan ng mga tao kasabay ng mga putok ng baril.
Kaugnay nito, mariin namang kinondena ng kasalukuyang pinuno ng bansa na si Ecuadorian Pres. Guillermo Lasso ang pamamaslang sa kandidato, at sinabing hindi niya umano ito palalampasin at sinigurong pananagutin sa batas ang nasa likod ng krimen.
Batay sa survey, lumalabas na 7.5% ang natatanggap na suporta ni Villavicencio kung saan nasa ikalima itong pwesto mula sa walong mga kumakandidato sa pagkapangulo sa Halalan na nakatakda ngayong August 20.### JUMEL DELA ROSA