Balik kulungan ang 42-anyos na binata matapos maaresto sa Brgy Macabari, Barcelona, Sorsogon.
Inaresto ng mga tauhan ng Barcelona MPS si Richard Galan Espenida, walang trabaho at naninirahan sa nasabing barangay.
Sa ulat na nakalap ng Brigada News, si Espineda ay nasangkot sa ilang paglabag katulad ng alarms and scandal, physical injury at threat, lahat naitala sa kanilang barangay.
Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng Order of Arrest and Recommitment na ipinalabas ng Board of Pardons and Parole sa ilalim ng DOJ, QC.
Kung babalikan, si Espenida ay nahatulan ng RTC Br 54, Gubat Sorsogon sa salang homicide at nasentensyahan ng 8 hanggang 12 taon at isang araw at pinabayad ng P50K bilang indemnity o bayad-pinsala at binigyan ng Board of Pardons and Parole ng ‘Discharge on Parole’ noong Setyembre 18, 2018 sa ilalim ng condition No. 5 na : ‘’Not to violate any law or associate with persons engaged in criminal activity and to conduct himself in an orderly manner.’’
