Presidential bid ni Bongbong, kalapastanganan sa mga nasawing biktima ng martial law ayon sa ilang grupo

Naniniwala ang isang grupo na kalapastanganan sa mga nasawing biktima ng martial law ang paghahain ni dating senador Bongbong Marcos ng presidential bid nito para sa 2022 elections.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Campaign Against the Return of Marcoses and Martial Law (CARMMA) na ang hakbang ni Marcos ay tahasang pambabalewala at pambabastos sa libo-libong mga Pilipino na napatay, nawala, na-torture, na-displace, at nakaranas ng pang-aabuso noong panahon ng Batas Militar.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Inihayag rin ng grupo na pambabalewala ito sa bansa kung saan ang ekonomiya nito ay na-plunder at nasira sa ilalim ng diktadurya ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Ipinunto rin ng CARRMA na wala pang “worthwhile compensation” ang nagmumula sa pamilya Marcos para sa bilyon-bilyong halaga ng yaman at ginto na kanilang ninakaw mula sa ekonomiya ng Pilipinas.