Presensya ng POGO sa bansa, tinawag na ‘self-inflicted wound’ ng isang senador

Ipinunto ni Senador Win Gatchalian na hindi lang basta nagdadala ng krimen at kahihiyan sa bansa ang presensya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Gatchalian, maliban sa mga naunang nabanggit ay nagdadala rin ito ng logistical complications at gastos sa bansa mula sa pagpapakain,papapatira at pag-deport sa mga kriminal na foreign nationals.

Kaugnay nito, maituturing umanong ‘self-inflicted wound’ ang POGO sa bansa lalo na’t wala naman ding nakukuha ang gobyerno mula sa mga ito.

Maalala, inutusan na kahapon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang kabuuang assets ng POGO firm na nakaraang ni-raid ng awtoridad sa Bamban Tarlac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *