Heavy equipment operator, patay matapos maipit ang ulo sa inaayos na truck sa Catanauan, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos maipit ang ulo nito sa inaayos na truck sa Barangay Tagabas Ibaba, Catanauan, Quezon nitong Lunes, Abril 8.

Ayon sa police report, iniangat umano ni alyas “Arvin” ang dump box ng forward truck gamit ang backhoe upang maayos ito ng biktimang si alyas “Arjay” nang mag-malfunction at sumabog ang hydraulic hose ng arm nito na naging dahilan ng pagbagsak sa likod ng inaayos na truck.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days
Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Naipit at napuruhan ang ulo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay habang nasugatan naman ang kasama nitong 61-anyos na welder.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang operator ng backhoe habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.