Umalis ng Sri Lanka si President Gotabaya Rajapaksa sakay ng military jet sa gitna ng mass protests at economic crisis.
Ayon sa report, dumating sa Maldives si President Rajapaksa.
Ang pag-alis ni Rajapaksa ang senyales umano ng pagtatapos ng family dynastry na naghari sa Sri Lanka sa loob ng ilang dekada.

Napag-alaman na hindi nagpakita si Rajapaksa sa publiko matapos na lusubuin ng mga mamamayan ang presidential residence noong Sabado.
Samantala, maging ang dating Finance Minister Basil na kapatid ng Presidente ay umalis ng kanilang bansa at sinasabing patungo ng America.
Matapos umanong malaman ng publiko ang pag-alis ng magkapatid ay umalingawngaw ang selebrasyon ng mga demonstrador sa capital city na Colombo. (LNM)