Ilang jeepney driver ng byaheng Daet-Talisay naliliitan sa dagdag P1 pasahe sa jeep

CAMARINES NORTE- Hindi sapat para sa ibang tsuper ang ipinatutupad na dagdag na P1 sa minimum na pasahe sa jeep partikular na ang biyaheng Talisay- Daet and vice versa

Sa ngayon ay umiiral na ang P11 na minimum fare sa nabanggit na ruta

Para sa ibang tsuper, masyadong maliit ang umento, lalo’t tuloy ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin at petrolyo at sa naranasan nilang 2 taong pandemya na walang naging pagtaas sa pasahe

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ayon kay Mang Buboy, Jeepney Driver hindi pa rin sasapat ang kanilang kita para pambuhay sa kanilang pamilya sa kabila ng pagkakaroon ng umento

Ayon naman sa isang pasahero na si Janeth, pabor sya sa dagdag na pisong pasahe sa jeep dahil ayon sa kanya ay nauunawaan niya ang hinaing ng mga jeepney driver na sobrang taas nga umano ng diesel at gasolina.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, tanging ang byaheng Daet – Talisay vice versa lamang ang may dagdag umento sa pasahe ngunit wala namang naging paggalaw ng pasahe sa mga byaheng Daet-Vinzons, Daet- San Vicente at Daet- Labo.

Habang ipinapatupad na ang full seating capacity sa mga jeep