NAGA CITY – Hindi naging mahirap para sa Lokal na Pamahalaan ng Balatan, Camarines Sur na mabakunahan kontra COVID 19 ang mga batang nag-eedad sa 5 hanggang 11 taong gulang.
Sa naging panayam kasi ng Brigada News FM Naga kay Xanthien Beñegas, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer sa naturang bayan, sinabi nitong naging kahilingan kasi ng kanilang opisina na bago suma-ilalim sa Limited Face-to-Face Classes ang mga paaralan dapat na ang mga mag-aaral na lalahok ay bakunado na laban sa virus kung hindi ay mananatiling modular o online class ang hindi bakunado, ang MDRRM ay kasama sa pag-assess sa mga paaralan.
Naging epektibo sa mga mag-aaral at mga magulang dahil sa parehong layunin.
Ikinatuwa naman ng opisyal na mataas ang turn out ng Pediatric Vaccination sa bayan, bukod kasi sa naging paraan nila katuwang rin nila ang Department of Education Balatan upang kombinsihin ang mga magulang, dahil maging ang mga ito pagod na rin sa Modular o Online Class na sistema.
Samantala, handa na sa full implementation ng Face to Face Classes ang Sekundarya at ilang paaralan sa Elementarya sa bayan.