Nakapagbenta na ng may anim na libo walong daan at tatlumpu’t walong kaban ng bigas ang pamahalaang lokal ng Botolan sa mga residente.
Ito ay programa ng lokal na pamahalaan na tinawag na ‘Rice Subsidy Program’ na nagbebenta sa mga residente ng mga barangay ng de kalidad na bigas na halos kalahati lamang ang presyo.
Matatandaan na sinimulan ng pamahalaang bayan ang pagbebenta ng bigas noong pang taong 2014
Ngayong buwan na Setyembre ay nasa ikawalong taong anibersaryo na ang programa.
Samantala pinagpaplanuhan ng pamahalaang bayan ng Botolan na palawakin hanggang sa iba pang mga munisipyo ang pagbebenta ng murang bigas sa mga mamamayan ng Zambales.//Russell Banawa-BNFM IBA
