LEGAZPI CITY – Tuloy na tuloy na ang Inauguration ng Bicol International Airport (BIA) sa Barangay Alobo bayan ng Daraga Albay sa Oktobre 6 2021.
Sa sinagwang inspeksyon sa nasabing paliparan na pinangunahan ni DOTr Sec. Arthur Tugade, kasama ang Local Chief Executives ng Daraga na si Mayor Victor Perete, Legazpi City Mayor Noel Rosal bilang Regional Development Council (RDC) Chairman at ang Kongresista ng 2nd District of Albay, kunti na lamang ay matatapos na rin umano ang kabuuhang paliparan.
Halos umabot umano ng 15 taon paggawa ng BIA dahil sa pondo na pagkakaantala, mga bagyong dumaan sa Bicol Region, panununog ng mga kagamitan na gawa ng pinaniniwalaang rebeldeng grupo at iba pa.
Dagdag pa nito nasa 92.06% ang kabuuhang natatapos ng nasabing International Airport as Sept 28 2021.
Ayon pa dito, inaasahang darating sa araw mismo ng inauguration ng BIA si President Rodrigo Roa Duterte.
Isasagawa na rin ang unang commercial flight ng Bicol International Airport sa araw ng huebes ng Oktobre 7 2021.