Vaccination Rollout sa BUTC Auditorium nagpatuloy na ngayong araw

LEGAZPI-Nagpapatuloy na ngayon ang sinasagawang pagbabakuna sa Bicol University Tabaco Campus Auditorim matapos na inanunsyo ng lokal na gobyerno ng lungsod kahapon ang pansamantalang pagsuspinde dahil sa nangyaring dalawang pagsabog sa B.U Main Campus.

Ito na rin ay parte ng pinalabas namemorandum order ang Presidente ng nasabing Unibersidad na work from home para sa mga B.U personnel.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Bagamat ang nasabing order ay para lamang sa B.U main Campus at Daraga, mas minabuti na nilang sumabay para umano masigurong ligtas ang mga residente.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kung kaya ngayong araw, nag-resume na ang 2 day vaccination rollout para sa mga essential workers.

sa hiwalay naman na anunsyo ni Mayor Kristel Lagman, para maakomoda lahat, ang unang 1000 essential workers at nasa A4 Category ang unang babakunahan at huwag lamang kalimutan ang I.D.