Cancer awareness, nais ipalagaanap ng isang cancer survivor sa Lebanon sa paraan ng pagharap niya sa mga endurance challenges

Isang cancer survivor sa Lebanon ang kamakailan ay nakamit ang titulo sa Guinness Worl Record na “Longest Duration Standing on a Sadhu nail board (Male Category)” dahil sa pagtayo nito sa table na puno ng mga pako.

Tinatayang tumagal ito ng nasa 12 oras, 12 minuto at 8 segundo na kung saan ayon rito ginawa niya umano ito upang maging isa sa mga paraan ngayon para maipaalam niya sa buong mundo ang patungkol sa cancer awareness.

Sa katunayan, hindi umano ito ang kauna-unahang endurance challenges na ginawa ni Ramy kung saan minsan na siyang naglakad ng 41 kilometro na nakaapaa mula sa Beirut patungo sa Batroun sa Lebanon.

Sa ngayon, patuloy umano siyang gagawa ng mga ganitong challenge para mas maipaabot niya sa publiko na kagaya ng pagharap sa mga pagsubok  na kagaya nito, ganundin mismo ang mahirap na hamon na kinahaharap ng mga nakikipaglaban sa sakit na cancer kung saan kinakailangan ng matatag na mental strength at pagtitiwala sa sarili para malagpasan ito.|WL