Pre-feasibility study para sa pilot cable car project natapos na ng DOTr

Pursigido ang Department of Transportation o DOTr na isulong ang pagkakaroon ng cable car project sa bansa.

Sa Build Better More Forum sa New Clark City, sinabi ni DOTr Usec. Timothy Batan na nakumpleto na ng ahensya ang pre-feasibility study ng Antipolo Cable Car sa unang bahagi ng 2024.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Tinukoy pre-feasibility project na balak ilunsad ang cable car mula MRT4 sa Taytay Rizal hanggang sa Antipolo.

Agad naman anyang isusunod ng DOTr ang pagsasagawa ng detailed feasibility study, dito malalaman kung ilang pasahero ang inaasahang maseserbisyuhan ng cable car project at kung magkano ang gagastusin ng pamahalaan.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Samantala, posibleng mai-bid out ng DOTr ang proyekto sa katapusan ng 2025 o sa unang bahagi ng 2026.

At kung magtutuloy-tuloy, asahang maisasakatuparan ang cable car sa bansa sa taong 2028.