PRC, pinag-aaralan ang posibilidad na pag-abolish sa board exams

Pinag-aaralan ng Professional Regulation Commission ang posibilidad na tanggalin na ang government licensure examinations.

Pero giit ni PRC chairman Teofilo Pilando Jr., itinatakda talaga ng batas ang naturang mga pagsusulit, kaya ang huling desisyon ay nasa kamay parin ng policymakers.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Pagbabahagi ni Pilando, mayroon ngayon 46 regulated professions.

Paliwanag nito, ang argumento para sa pagsasagawa ng pagsusulit ay para may national qualification system sa pag-produce ng professionals dahil hindi pare-pareho ang pinanggalingan ng mga professionals.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Matatandaan na pinalutang ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang ideyang tanggalin Board exams para sa Nursing, maging ang Bar, kasama ang iba pang lisensure examination.// MHEL PACIA-TRINIDAD