PH, natanggap na ang unang batch ng J&J COVID-19 vaccines

Dumating na sa bansa ang kauna-unahang batch ng COVID-19 vaccines mula sa US firm Johnson & Johnson.

Ang aircraft kung saan lulan ang 1.6 million doses ng Janssen vaccine mula sa United States ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Bukas, inaasahan naman ng bansa na matatanggap ang kabuoang 3.2 million shots na ibinigay ng US government sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ayon sa American manufacturer, ang kanilang Janssen vaccine ay nagbibigay ng malakas na immune response ng hanggang walong buwan matapos ang vaccination, maging laban sa Delta variant. // MHEL PACIA-TRINIDAD