COVID-19 total tally, halos 1.5M na

Naitala ng Pilipinas ang 5,676 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para sumampa ang nationwide tally sa 1,496,328.

Kaugnay nito, tatlong laboratoryo lang ang hindi nakasumite ng kanilang datos on time.

Dahil dito, ang bilang ng mga active cases ay tumaas sa 48,480, kung saan 91.8% ang mild, 2.1% ang asymptomatic, 2.6% ang severe, at 1.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, inanunsyo rin ng Department of Health ang kabuoang recoveries na 1,421,372 matapos gumaling ang 2,670 pang pasyente na nakarekober mula sa respiratory illness, habang 162 ang mga bagong fatalities, dahilan para sumipa ang death toll sa 26,476.// MHEL PACIA-TRINIDAD