PRC-Isabela, namahagi ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cabagan, Isabela

Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Philippine Red Cross ang nasa 196 na mga benepisaryo na naapektuhan ng bagyong Ulysses na mula sa barangay Pilig Abajo, Cabagan, Isabela ngayong umaga, May 22, 2021.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PRC-Isabela Administrator Josephine Stephanie Cabrera, makakatanggap ng 3,500 pesos ang bawat benepisaryo na una nang sumailalim sa beribikasyon ng kanilang team.


Aniya, mayroong anim na barangay sa bayan ng Cabagan ang napili na mabigyan ng multipurpose cash grant ng PRC kung saan nasa 1,000 na benepisaryo ang mula sa buong munisipalidad ng Cabagan na inaasahang matatapos nang mabigyan ng ayuda ngayong araw. Habang natapos na ring mabigyan ang mga benepisaryona mula sa bayan ng San Pablo noong buwan ng Marso.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts


Ayon pa kay Admin Cabrera, naglaan ang Philippine Red Cross ng nasa mahigit 12 milyong piso para sa multipurpose cash grant sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nanawagan naman ito sa mga nabigyan na gamitin ang naturang ayuda sa tamang paraan.


Samantala, nagpasalamat naman si Brgy Kapitan Panchito Betay dahil napili ang kanilang barangay na nabiyayaan ng tulong mula sa PRC gayundin ang mga residenteng nakatanggap ng ayuda.

Nakaiskedyul din ngayong araw ang pay-out ng nasa 215 beneficiaries mula naman sa barangay Palig Alto, Cabagan, Isabela.