Power rates ng CASURECO II lumagapak na sa ₱5.9290/kWh

CAMARINES SUR- Lumagapak na sa ₱5.9290/kWh ang singil sa kuryente ng Camarines Sur II Electric Cooperative o CASURECO II ngayong Hunyo.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Rinner Bucay, tagapagsalita ng nasabing kooperatiba. Aniya pagtaas ng singil sa kuryente ang inaasahan dahil sa pagtaas ng demand na siya namang pagnipis ng supply nitong nagdaang buwan pero bilang pagsunod sa Energy Regulatory Commission (ERC) na Staggered payment upang maibsan ang mataas na generation rates. Hatiin sa apat na buwan ang bayad sa kuryenteng kinuha sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Php 5.9290/kWh ang residential rates habang  Php5.0537/kWh sa low voltage. Pero ang ipinag-aalala nina Bucay ang magiging sunod na taripa. Hihintayin pa ng CASURECO II ang susunod na magiging kautusan ng ERC kung may negatibong epekto ang staggered payment sa mga member consumers kapag natapos na ang apat na buwan o mula Mayo hanggang Agosto 2024.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit