Ibinigay ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 02 (DA-BFAR 02) ng mga post-harvest equipment o untensils sa Rural Improvement Clubs (RIC) ng Maddela, Quirino.
Ito ay bahagi ng techno-demo cum livelihood project ng ahensiya sa mga RIC at iba pang women’s organization sa lambak ng Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang ibinigay ng DA-BFAR O2 na mga kagamitan ay magagamit ng naturang organisasyon sa pagproseso ng mga fish products.
Bago ang isinagawang turn-over ng mga kagamitan ay sumailalim muna ang mga benepisaryo sa value-added processing (VAP) o pagsasanay sa pagproseso ng mga produktong gawa sa tilapia na kinabibilangan ng embutido, nuggets, lumpia, tocino at iba bilang kanilang income generating project.
Inihayag ni DA-BFAR 02 Director Milagros Morales na ang ibinigay na livelihood assistance ay makatutulong upang matiyak ang kanilang pangkabuhayan ngayong nagpapatuloy ang pandemya.
Samantala, nagpasalamat naman sa ahenisya si RIC President Cristina Maranion sa patuloy na ibinibigay na suporta nito sa kanilang organisasyon.