Out-going PRO2 RD PBGen. Nieves, binigyan ng testimonial parade and review ng 5ID Phil. Army

Nagbigay ng Testimonial Parade and Review ang 5th infantry Division Philippine Army kay Police Regional Office No. 2 Director PBGen. Crizaldo Nieves sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela kahapon, July 9, 2021.

Ginawa ang naturang aktibidad bilang pagkilala sa mga ibinigay na serbisyo ng Direktor at suporta sa kasundaluhan upang makamit ang peace and order sa buong lambak ng Cagayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon kay MGen. Laurence Mina, Commander ng 5ID, ito aniya ay matibay lamang na patotoo sa matatag na samahan ng AFP at PNP sa kampaniya para sa kapayapaan at kaunlaran.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Si PBGEn. Nieves ay nakatakdang magretiro sa darating na July 19, 2021.

Sa kaniyang pahayag ay nagpasalamat naman ang Direktor sa 5ID sa kooperasyon ng bawat-isa para mapuksa ang lokal communist groups sa rehiyon.