Pandemic response ng gobyerno nakabase sa ‘good science’ at ‘well calibrated’ – Go

Tiniyak ni Senador Christopher Bong Go na nakabase sa siyensiya at mariing pinag-aralan ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para labanan ang pandemic.

Sa ambush interview sa Senador matapos ang groundbreaking ceremony sa AFP-PNP Housing Project sa Pulangbato, Cebu City, sinabi nitong bawat araw umano ay pinag-uusapan, pinag-aaralan at ibinabase sa ‘good science’ ang mga tugon ng pamahalaan kontra sa pandemya.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Inihalimbawa ni Go ang pagluluwag sa quarantine restrictions ng mga indibidwal na naka-kumpleto na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.

Lumalabas umano sa pag-aaral na maaring protektado na sa virus ang mga taong bakunado na.

Kasabay nito muling nanawagan ang mambabatas sa publiko na magpaturok ng bakuna upang makalabas at makapag-biyahe na ang mga ito nang hindi na kailangan pang suma-ilalim sa RT-PCR test.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

“Mga kababayan ko, makinig kayong mabuti, kung gusto niyo na po makalabas, gusto niyo na po maka-travel, eh di magpabakuna na po kayo. Kita niyo ngayon, hindi niyo na kailangan magpa-test,” ayon kay Go.