Positivity rate umakyat sa 20.3%, gobyerno dapat mas bilisan ang vaccination drive

Pinayuhan ni Health Reform Advocate Dr. Tony Leachon ang gobyerno na mag-step up sa vaccination program kasabay ng banta ng Delta variant na pinaniniwalaang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 infections sa maraming bahagi ng bansa.

Sinabi ni Leachon na kailangang mas maparami pa ang mabakunahan sa bansa upang mapigilan ang mas pagdami pa ng infections sa bansa.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Giit ni Leachon, dahil sa limitadong supply, isyu sa cold chain at ang pangangailangan ng mga LGUs, kailangan ng pamahalaan na i-prioritize ang vaccination goals ng bansa.

Binigyang diin pa ni Leachon na kailangang mas tutukan ng gobyerno ang monitoring sa mga COVID-19 hotspots para makapagplano nang maayos sa pagtugon.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Matatandaan na base sa report, umakyat sa 20.3% ang positivity rate sa bansa na pinakamataas simula noong Abril ngayong taon na nangangahulugan na isa sa bawat limang Pilipino ay positibo sa virus.