Nananatiling bakante ang posisyon ng no. 2 man sa Philippine National Police.
Ito’y makaraang magretiro sa serbisyo noong Biyernes si dating PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia.
Ayon kay PNP Public Affairs Office Chief Col. Jean Fajardo,
bilang matter of practice ang next in line ang aaktong Officer-in-Charge o OIC sa posisyong binakante ni Sermonia.
Kahapon nang may kumalat na order sa Camp Crame na si Police Lt. Gen. Michael John Dubria na Deputy Chief for Operation ang magiging TDCA Officer-In-Charge.
Pero makalipas ang ilang oras ay binawi ang order
sa pamamagitan ng inilabas na panibagong memorandum.