Naghalal ang Senado ng apat na bagong miyembro ng Commission Appointments (CA).
Inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagkakahalal sa bicameral commission nila Senator Raffy Tulfo, Senator Ronald dela Rosa, at Senator Bong Revilla Jr.
Papalitan nila sina Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Francis Tolentino, at Imee Marcos.
Inaatasan ang CA na aprubahan o hindi aprubahan ang mga appointment na ginawa ng Pangulo ng Pilipinas, sa ilalim ng 1987 Constitution.
Binubuo ito ng Senate president na nagsisilbing ex-officio chairman, 12 senador, at 12 miyembro ng House of Representatives.