Posibleng wage adjustment sa Naga at Camarines Sur pag-uusapan na mamaya, parehong minimum wage sa NCR, hinihiling!

NAGA CITY- Pag-uusapan na mamaya ang posibleng wage adjustment sa Naga at Camarines Sur. Inanyayahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang mga employer, maliit o malalaking negosyo man at maging ang mga manggagawa sa gaganaping Regional Tripartite Wages and Productivity Board Public Consultation ngayong hapon Setyembre 26, 2023 sa Lotus Blu Hotel sa Naga.

Sinabi sa Brigada News FM Naga kay Johana Gasga, tagapagsalita ng ahensiya sa rehiyon , layunin ng konsultasyon na malaman ang sentimyento ng mga employer at empleyado.  Ipapaliwanag din sa mga partisipante ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya upang maassess kung kailangan na magkakaroon ng pagtaas sa sahod at kung ilan ang kaya, ilan ang posible o ilan ang kailangan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon kay “Jun” ng Naga, na nasa processing and administrative work dapat pareho na sa National Capital Region dahil parehas lang naman ang mahal ng bilihin, transportasyon at serbisyo.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sinabi rin ni Froilan Rubio ng Lagonoy, na dumayo pa sila sa NCR upang magtrabaho sa truck kulang kase aniya ang P365.00 na minimum wage ngayon,  kaya ayos na sa kaniya ang P500-P650 na kita araw-araw kahit malayo sa sariling probinsya.