NAGA CITY – Hindi pa man sa ngayon gaanong nararanasan ang El Niño Phenomenon sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur, isa na ito sa pagpaplanuhan ng Tourism Office.
Kung saan ayon kay Gladys Tipanero, Tourism Officer, bagamat sa ngayon ay wala pang joint meeting kasama ang LGU Pasacao, Municipal Agriculture Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Health Office at ilan pang opisina, pinag-iisipan na nila ang mga posibleng epekto ng El Niño lalo na sa mga resort owners, sa kanilang nasa 164 na tourism workers maging sa mga turista o bumibisita sa mga resorts at accommodation sa bayan.
Hindi kasi iniaalis ng naturang opisina, ang dalang pangamba lalo na kung maaapektuhan ang trabaho ng kanilang mga tourism workers sa nasa 48 resorts sa bayan at walo ang Department of Tourism Accredited.