Target ni Boston Celtics star Kristaps Porzingis, na makapaglaro sa Game 1 ng NBA Finals sa Huwebes laban sa Dallas Mavericks.
Nabatid na hindi pa nakakalaro ang Celtics center mula noong Abril 29 matapos magtamo ng calf injury.
Si Porzingis ay may average na 20.1 points at 7.2 rebounds at nag-shoot ng career-best na 51.6 percent mula sa floor sa regular season.
Nakuha siya ng Celtics mula sa Washington Wizards bilang bahagi ng three-team trade kasama ang Memphis Grizzlies noong Hunyo 23, 2023.
Naglaro din ito ng tatlong season kasama ang Mavericks mula 2019 hangang 2022.