Mga hakbang para labanan ang online child sexual abuse – tiniyak ng pamahalaan

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang iba’t ibang ahensya ng Gobyerno na proteksiyunan ang mga kabataan lalo na mula sa online sexual abuse or explotation of children o OSAEC.

Matapos nag sectoral meeting sa Malaca├▒ang, iniulat ni Justice spokeperson Asec. Mico Clavano na ipinresenta umano ang ‘six pillars’ para magsilbing pundasyon ng laban ng Gobyerno sa OSAEC.

Ang bilin ng Pangulo – ang Pilipinas ay hindi dapat maging pugad at ‘safe haven’ ng mga abusers.

Sabi ni Atty Margarita Magsaysay, executive director ng National Center Against OSAEC, una sa mga pundasyon ay ang pagpapahusay sa kanilang referral pathways mechanism o ang tamang ahensiyang hahawak sa reklamo.

Kasama rin ang mas mahusay na capacity building, mas epektibong komunikasyon para makapagsulong ng mas maraming pakikipag tulungan sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan, at iba pang sektor.

Inaasahan namang malalagdaan ang isang executive order (EO) para ma-operationalize na ang naturang mga pundasyon.

Kung maaalala – nanguna ang Pilipinas sa my mga kaso ng OSAEC kung saan – karamihan ay mga banyaga ang parokyano ng mga kabataang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *