Pope Francis, makikipag-usap sa G7 summit sa Italy

Makikipag pulong si Pope Francis sa mga leader mula sa Esdatos unitos, Ukraine, France and India, at iba pang bansa sa Group of 7 (G7) summit sa Italy.

Bilang Santo Papa na sasali sa G7 discussions, makikibahagi siya sa mga pag-uusap tungkol sa artificial intelligence, isang paksa na binalaan niya na noon.

Inanunsyo ng Vatican na magkakaroon siya ng bilateral meetings kasama sina US President Joe Biden, Volodymyr Zelenskiy ng Ukraine, Emmanuel Macron ng France, Narendra Modi ng India, at iba pang lider mula Brazil, Canada, Turkey, Kenya, Algeria, at International Monetary Fund (IMF).

Maalalang inilarawan ni Pope Francis si President Biden bilang isang “mabuting Katoliko” na karapat-dapat sa komunyon noong kanilang pagpupulong sa Vatican noong 2021, kahit may pagtutol mula sa mga konserbatibong obispo sa US dahil sa paninindigan ni Biden sa karapatan sa aborsyon.

Nag-usap din sila tungkol sa krisis sa Middle East matapos ang pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 2020. (Angela Rose Brazas  – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *