Lalaki, nagtatakbo matapos nitong ma-revive at magkaroon ng malay

Nag-alala at nataranta ang mga rescue personnel na rumesponde sa isang lalake sa Surin, Thailand, matapos kasi ma-revive ang lalaki ay agad nitong ipinatigil ang ambulansya at saka nagtatakbo paalis dito.

Umiinom kasi ito ng tatlong bote ng beer bago ito matagpuang walang malay at nakahandusay sa kanilang banyo.

Ayon din sa isang rescuer na rumesponde sa lalaki ay pinagtulungan daw nila itong alisin sa banyo at agarang nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation o CPR.

Ngunit habang nasa daan pa lamang ay nagkamalay na itong lalaki at pinilit umanong pahintoin ang ambulansyang kanyang sinasakyan, pagkatapos ay saka sya bumaba upang kumaripas ng takbo pauwi sa kanilang bahay!

Tila ayaw pang magpaawat ng lalaki sa pag-uwi sa kanilang bahay kaya kumuha pa ito ng kahoy na pamalo upang ihambalos sa sino mang magtatangkang pigilan s’ya sa kanyang pag-uwi!

Nag-rerecover na sa ngayon ang lalaki sa kanilang bahay ngunit tila iniinda raw ng lalaki ang pagod na natamo sa pagtakbo mula sa ambulansya.

Sabi naman ng lalaki matapos itong ma-interview ay nais nalang niya makauwi at h’wag na magpadala pa sa ospital, tila hindi rin daw n’ya alam kung paano n’ya nagawang tumakbo ng ganoong kabilis.

Ayon naman sa ilang netizen ay nakakatakot at nakakatawa ang ganitong pangyayari, tila ba halo-halo ang kanilang mararamdamang emosyon kung sakaling sila mismo ang makakasaksi sa ganitong pangyayari.

Matawa-tawa pang sabi ng isang netizen ay parang may pagka “zombie” raw itong lalaki dahil tila hindi nito ininda ang sakit ng katawan matapos itong ma-revive muia sa pagkamatay. (Jim Erick Montealegre  – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *