Pope Emeritus Benedict XVI nakatakda nang ihatid sa huling hantungan

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan ngayong araw ang labi ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Pangungunahan ni Pope Francis ang requiem mass para sa namayapang dating lider ng simbahan na gaganapin sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City.

Ilalagay ang labi ni Pope Benedict sa isang traditional triple coffin, na may kabaong na gawa sa cypress wood na nilagyan ng zinc at isa pang wooden coffin.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Matapos ang ilang mga seremonya tuluyan itong katabi ng libingan ng kanyang predecessor na si Pope John Paul II sa St. Peter’s Basilica.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Patuloy naman ang pagdagsa ng mga pilgrims na gustong magbigay ng pugay sa dating Santo Papa.

Inaasahang dadaluhan ng mga world leaders ang makasaysayang funeral kabilang ang mga monarchs ng Spain at Belgium, mga Presidente ng Poland, Hungary at Germany na home country ni Pope Benedict.